During the last two years na hindi ako nagsulat dito, nag-isip akong kumuha ng domain at hosting. Pero syempre, may budget constraints tayo. Balak ko sana TitoThinksOutLoad[dot]com, dahil ganun na lang talaga tumatak 'yung kanta na 'yun sa 'kin. Walang kinalaman sa takbo ng buhay ko; just so happens that for 173 days, it decides to play at least once per day. Glad that's over, though. I don't hate the song by the way. It's just that you get tired of hearing the same thing, no matter how good it is.
Pero gusto ko ring pag-usapan 'yung title ng kantang 'yun, because it somehow describes me. I think out loud. Too loud, even. Passive-aggressive, kung tawagin. Ibang level na kumpara mo sa pag-state lang ng opinions ko tungkol sa mga bagay na nararanasan ko. Minsan kasi, nakakainis 'yung nakakakita ka ng isang lantaran na instruction sa mukha mo na tulad ng "No Smoking", pero magyoyosi ka pa rin sa harap nun. Minsan, nasasabi ko na nang malakas, "Bakit andaming hindi nag-iisip sa mundo?"
Isa pa... Ang hilig ko sa "I think
Sa bus, during rush hour, hindi mo na maiiwasang standing-room-only na lang ang mga masasakyan mo. Pagdating sa moment na bababa ka, sasabihin ng kuyang kunduktor sa 'yo, "OH! KILOS NA! WALANG BABAAN SA KABILA." Inner mind theater ko ganito: "Seryoso ka, kuya? Pa'no ako dadaan, eh nakaharang 'tong tao sa harap kong hindi naman bababa, nakalimang EXCUSE ME na ako." Minsan, hindi na inner mind theater; sinasabi ko na talaga. Boom, napaaway. Verbal lang naman.
Sa paghahanap ng taxi on a day that you're desperate to go where you want to go. You manage to find an empty one. The driver asks where you want to go, and rejects you. Ako, sa loob-loob ko, minsan naiisip ko, "Nag-drive ka pa ng taxi, loko ka." Recently, nasabi ko sa isang driver 'yan, plus hindi ko sinara 'yung pinto n'ya. S'ya pa 'tong may ganang magalit. Kaya nadadamay 'yung mga maaayos na taxi driver sa mga kalokohan ng mga 'yun, eh.
Well, ayun lang naman for now. Siguro sa mga susunod na post, tungkol naman sa kung anong mga event 'yung mga pinaghahandaan ko, 'yung mga fighting games na nilalaro ko, at kung ano pa.
No comments:
Post a Comment