Monday, August 24, 2015

Dahilan ng Traffic

May isang araw na napag-usapan namin ng mga friends ko kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng matinding traffic sa Metro Manila. Nagkaisa kami na ang tunay na dahilan ng traffic sa Metro Manila ay hindi dulot ng mga kotse.

Bakit mo nga naman sisisihin ang isang walang kamuwang-muwang na kotse? Hindi naman gagalaw ang kotse kapag walang driver, hindi ba?

Dealing with this every single day
image c/o toptensofrandomthings.wordpress.com
 
Bakit traffic? Sabay-sabay pumapasok ang mga tao sa opisina. Keyword: tao. Karamihan, ang oras ng pasok nating mga nasa working force, 8AM - 9AM, so asahan na natin na titindi talaga ang dami ng sasakyan habang lumalapit tayo sa mga oras na 'yan. Problema ko rin 'yang traffic, honestly. Kaya ginawan ko na ng paraan -- lumipat ako sa isang lugar na mas malapit sa opisina. At least half ng travel time, natanggal. Mas na-extend 'yung oras ng pahinga ko.

Isa pang dahilan ng traffic? 'Yung mga taong sa kalsada na naghihintay ng mga bus na sasakyan nila papunta sa trabaho. Again, keyword: tao. Tandaan, ang kalsada ay para sa sasakyan. Pero dahil marami ngang tao ang mga gumagamit ng public transportation, sadyang mahirap nga namang makasakay.

Isa pa: mga tao na madiskarteng mag-drive na ang galing sumingit at ayaw pumirmi sa tamang lane. Again, keyword: tao. Sige, sige, pagbigyan. Bukas 'yung lane, pwedeng-pwedeng likuan, pero sana naman. Gamit naman ng signal. Nagmumukha kasing secret lever 'yung signal lights, eh. Also, kung liliko ka sa susunod na kanto, mabuti nang pumwesto ka nang maaga. Inuulit ko, gumamit ng signal lights. Sayang 'yung pag-integrate ng signal lights sa mga kotse kung hindi naman ginagamit.

Isa pa: 'yung mga tao na repeat violators ng pagsakay sa maling sakayan, at 'yung mga nagda-drive ng bus na nagsasakay sa maling sakayan. Keyword: (nakakasawa na, pero sige lang) tao. Pero, ah. Ako, to be honest, sumasakay sa maling sakayan. So, in short, dahilan din ako ng traffic. Hindi ko ipagkakaila 'yun, pero sana, ma-enforce nang maayos 'yung mga bus stop na 'yan. Okay 'yung concept ng A, B, at C type buses, eh. Kaso hindi rin naman 100% na sinusunod. Ako, nakakasakay ng bus A sa Boni na isang bus stop para sa mga Bus B. Dapat hindi ganun, eh.

So ang conclusion ko dito, tao ang dahilan kung bakit traffic dito sa Maynila. Tapos ang kung sino 'yung mga nagdudulot ng matinding traffic dito, syempre sila 'yung magrereklamo sa traffic. Hindi ko rin naman sila masisi. Ang dami nga namang sasakyan. Pero hindi sasakyan ang dahilan, dahil hindi naman sila dadami kung walang taong bibili o gagamit sa kanila. Ano nga ba ang solusyon dito? Simple. Disiplina lang.

Sa susunod na post, dahil nga traffic, syempre, maraming nahuhuli sa nakatakdang log-in time nila sa trabaho. Share ako next time ng opinion ko sa mga policies ng mga opisina tungkol sa pagiging late.

No comments:

Post a Comment